Archive for January, 2010

ABNOY AT BADING, NAGSAMA!!!

January 30, 2010

Minsang naglalakad ako sa kalsada noong August 2009, napansin kong napaplamutian ng kung anu-anong dilaw ang mga kalsada. Kamamtay nga lang pala noon ni dating pangulong Corazon Aquino. O, sige, natural na nga iyon, under the state of national mourning naman pala ang bansa, e. Ilang buwan pa ang nakakalipas, pero parang hindi nabawasan ang kadilawan sa mga lansangan. At wag ka, ang Bench, andaming dilaw na T-shirt! Kaya naman pala, maraming naghurumentado at humihiling na patakbuhing presidente si Noynoy Aquino. Teka, si Kris Aquino yung nakita ko sa balita, e, kaya medyo naguluhan ako. Pinipilit pala ng angkang Aquino na patakbuhin sa pagkapangulo itong si Noynoy. Pero, sino nga ba ito? Haha, natawa naman ako nang nalaman kong senador nga pala siya. Sa mga araw ding iyon ay kasagsagan ng banggaan ng mga 2010 Presidentiables na sila Villar, Roxas, Legarda, Escudero, Estrada, Fernando, Madrigal, de los Reyes, at Perlas. Nangunguna sa mga sarbey ang pangalang Villar. Nagsipag-atrasan naman si Roxas at Escudero. Umatras si Roxas dahil gusto niyang ipaubaya ang laban kay Noynoy. Si Escudero naman, balak kampihan na lamang si Legarda bilang kanyang bise. Wala nang alindog si Erap, at kailanman ay di nagkaroon ng alindog si Bayani, kaya nasa bandang dulo sila kasama ng mga baguhang si de los Reyes at Perlas. Nagkagulo pa lalo ang linya ng mga tatakbo nang iniwanan ni Chiz si Loren, at ang huli ay naging kabig ni Villar sa pagka-bise. Kaya sa banding huli, ang naging magiting na magkatunggali para sa dalawang pinakamataas na posisyon ay ang tambalang Noynoy-Mar at Manny-Loren. Pero sa tambalang ito, mas nahihilo ako kay Noyoy at Mar. Si Noynoy kasi, reluctant sa simula at hindi raw niya ambisyong maging pangulo, pero nadala lang sa panliligaw ng kanyang mga kamag-anak kaya tumakbo. Pinalabas pang taumbayan ang may gusto na maluklok siya bilang pangulo, eh impluwensya lang naman ng angkang Cojuangco-Aquino ang nagdala sa kanya ng mabangong pangalan. Ginamit pa ang pangalan ng mga yumao na niyang magulang na si Ninoy at Cory, kaya ayun antaas tuloy ng tingin sa kanya ng karamihan. Ayos lang sana eh, kung may napatunayan na siya. Katok lang po ako ng konti, mas gugustuhin ko pang si Kris ang tumakbo kaysa kay Noynoy. Si Kris kasi yun may ambisyon. Kulay ng mga magulang niya ang dala niya kasi, hindi ang sa kanya. Kahit ano pang gawin natin, walang kahihinatnan kung pangalan lang ang ipanlalaban mo para pagkatiwalaan ka ng tao. Kaya labis ang pagtataka ko dahil bigla at labis-labis ang pagkaungos niya sa kasikatan. Akala ko ayaw na ng mga tao sa artista, kaya talagang kakatwa lang na bigla nilang sinakyan itong pakulong ito na si Noynoy. Mas malupit itong si Mar. Hanga na sana ako, eh. Anlakas ng loob tumakbo, at panindigan ang kanyang mga layunin para sa bansa. Marami lang kakatwang bagay ang nakita ko sa kanya. Isa na rito ang kanyang pakikipag-relasyon kay Korina Sanchez. Hindi ko alam kung bakit sobra sa pagpapashowbiz ang ngayo’y mag-asawa nang ito. Aba, ikinwento pa sa internet ang kanilang honeymoon! OMG! Kakilig ha! Kaso, may pangit dito kay Korina. Alam niyo bMinsang naglalakad ako sa kalsada noong August 2009, napansin kong napaplamutian ng kung anu-anong dilaw ang mga kalsada. Kamamtay nga lang pala noon ni dating pangulong Corazon Aquino. O, sige, natural na nga iyon, under the state of national mourning naman pala ang bansa, e. Ilang buwan pa ang nakakalipas, pero parang hindi nabawasan ang kadilawan sa mga lansangan. At wag ka, ang Bench, andaming dilaw na T-shirt! Kaya naman pala, maraming naghurumentado at humihiling na patakbuhing presidente si Noynoy Aquino. Teka, si Kris Aquino yung nakita ko sa balita, e, kaya medyo naguluhan ako. Pinipilit pala ng angkang Aquino na patakbuhin sa pagkapangulo itong si Noynoy. Pero, sino nga ba ito? Haha, natawa naman ako nang nalaman kong senador nga pala siya. Sa mga araw ding iyon ay kasagsagan ng banggaan ng mga 2010 Presidentiables na sila Villar, Roxas, Legarda, Escudero, Estrada, Fernando, Madrigal, de los Reyes, at Perlas. Nangunguna sa mga sarbey ang pangalang Villar. Nagsipag-atrasan naman si Roxas at Escudero. Umatras si Roxas dahil gusto niyang ipaubaya ang laban kay Noynoy. Si Escudero naman, balak kampihan na lamang si Legarda bilang kanyang bise. Wala nang alindog si Erap, at kailanman ay di nagkaroon ng alindog si Bayani, kaya nasa bandang dulo sila kasama ng mga baguhang si de los Reyes at Perlas. Nagkagulo pa lalo ang linya ng mga tatakbo nang iniwanan ni Chiz si Loren, at ang huli ay naging kabig ni Villar sa pagka-bise. Kaya sa banding huli, ang naging magiting na magkatunggali para sa dalawang pinakamataas na posisyon ay ang tambalang Noynoy-Mar at Manny-Loren. Pero sa tambalang ito, mas nahihilo ako kay Noyoy at Mar. Si Noynoy kasi, reluctant sa simula at hindi raw niya ambisyong maging pangulo, pero nadala lang sa panliligaw ng kanyang mga kamag-anak kaya tumakbo. Pinalabas pang taumbayan ang may gusto na maluklok siya bilang pangulo, eh impluwensya lang naman ng angkang Cojuangco-Aquino ang nagdala sa kanya ng mabangong pangalan. Ginamit pa ang pangalan ng mga yumao na niyang magulang na si Ninoy at Cory, kaya ayun antaas tuloy ng tingin sa kanya ng karamihan. Ayos lang sana eh, kung may napatunayan na siya. Katok lang po ako ng konti, mas gugustuhin ko pang si Kris ang tumakbo kaysa kay Noynoy. Si Kris kasi yun may ambisyon. Kulay ng mga magulang niya ang dala niya kasi, hindi ang sa kanya. Kahit ano pang gawin natin, walang kahihinatnan kung pangalan lang ang ipanlalaban mo para pagkatiwalaan ka ng tao. Kaya labis ang pagtataka ko dahil bigla at labis-labis ang pagkaungos niya sa kasikatan. Akala ko ayaw na ng mga tao sa artista, kaya talagang kakatwa lang na bigla nilang sinakyan itong pakulong ito na si Noynoy. Mas malupit itong si Mar. Hanga na sana ako, eh. Anlakas ng loob tumakbo, at panindigan ang kanyang mga layunin para sa bansa. Marami lang kakatwang bagay ang nakita ko sa kanya. Isa na rito ang kanyang pakikipag-relasyon kay Korina Sanchez. Hindi ko alam kung bakit sobra sa pagpapashowbiz ang ngayo’y mag-asawa nang ito. Aba, ikinwento pa sa internet ang kanilang honeymoon! OMG! Kakilig ha! Kaso, may pangit dito kay Korina. Alam niyo bang sa lahat ng isyu na kinasangkutan niya, siya lang ang bida? At lahat ay kalaban na? Haha! Nakakatuwa lang. Alam kong may isang siyang isyu na siya naman ang mali, pero imbes na humingi ng tawad ay tinalakan niya ang kalaban sa kanyang radio-programa! Anggaling, diba? Sa kanya pa napunta ang simpatya ng tao. Ang sa akin lang, nakakatakot maging Ikalawang Ginang itong si Korina, mukha kasing may pagkadiktador itong pambato rin ng ABS-CBN. Ikalawa, nadismaya ako sa ipinakita niya ng bigla-bigla siyang umatras sa laban sa pagkapangulo at magdesisyong maging bise na lamang ni Noynoy. Aba lintek, sasabihin pa niyang naniniwala siya na kaya tayo ni Noynoy, eh hindi pa nga nakakapagdesisyon ang hitad! Iboboto ko sana siya, eh. Kaso nagmukha akong tanga ng kapitan niya ang kasikatang hatid ng mga Aquino. ang sa lahat ng isyu na kinasangkutan niya, siya lang ang bida? At lahat ay kalaban na? Haha! Nakakatuwa lang. Alam kong may isang siyang isyu na siya naman ang mali, pero imbes na humingi ng tawad ay tinalakan niya ang kalaban sa kanyang radio-programa! Anggaling, diba? Sa kanya pa napunta ang simpatya ng tao. Ang sa akin lang, nakakatakot maging Ikalawang Ginang itong si Korina, mukha kasing may pagkadiktador itong pambato rin ng ABS-CBN. Ikalawa, nadismaya ako sa ipinakita niya ng bigla-bigla siyang umatras sa laban sa pagkapangulo at magdesisyong maging bise na lamang ni Noynoy. Aba lintek, sasabihin pa niyang naniniwala siya na kaya tayo ni Noynoy, eh hindi pa nga nakakapagdesisyon ang hitad! Iboboto ko sana siya, eh. Kaso nagmukha akong tanga ng kapitan niya ang kasikatang hatid ng mga Aquino.

Hello world!

January 30, 2010

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!