ANG SANTANG SI KORINA. YUCK.

Kilala niyo ba si Bernardita Inocencio? Talaga? Tama, siya ang katulong noon ni Korina Sanchez.

Noong 2001, nagsampa siya ng kaso laban kay Sanchez, isang batikang mamamahayag ng ABS-CBN. Inakusahan niya ang tagapagbalita ng pambubugbog, pangmamaltrato at hindi pagbibigay ng huli ng mga benepisyo nito bilang isang katulong, particular na ng kanyang Social Security Service o SSS.

Kasunod naman nito ay naghain ng kontra-kaso si Korina, na nagsasabing ninakawan naman siya ni Inocencio ng isang mamahaling alahas na tadtad ng brilyantes.

Oo, nakaraan na iyon. Nabasura na ang mga kasong ihinabla nila sa isa’t isa. Naklaro na ang pangalan ni madam Korina. Naklaro din ang kay ginang Bernardita. Pero bakit ganoon? Nang minsang mapadaan ako sa google, at hinanap ko ang pangalang ‘bernardita incocencio’bilang keywords, ang tanging lumabas lamang ay mga artikulong ginawang bida si Korina?

Kahit ano naman ang sabihin natin, may karapatan pa rin naman ang tao na malaman kung ano na ang nangyari kay Bernardita. Wala mang pinatunguhan ang kaso kasi nabayaran na yung kulang sa SSS at suweldo ng katulong pagkatapos sampahan si Korina, dahil wala talagang ninakaw si Bernardita, at may pagkalabo na ang kani-kanilang kwento, dapat hindi pa rin inalis ang mga kwento nila sa paningin ng publiko. Nangyari yan, e. Halaw yan sa kwento ng nagreklamo sa mamamahayag.

Kung may karapatan si Korina at kapangyarihan na marinig ng lahat ang kanyang panig, ganun din dapat kay Bernardita. Nangyari naman ito, napagkaisahan nga lang siya sa bandang huli.

Tamang kapit siya siguro sa mga amo niya, kaya napakadali niya napatanggal lahat ng bad isyu sa kanya sa internet. Naalala ko tuloy yung isyu na inaway niya ang isang writer ng TV Patrol. Nasaan na yung kwento? Totoo ito pero wala ka nang mababasang istorya tungkol dito. Eh yung isa pang katulong na binugbog din umano ni Korina? Wala na. Dinaanan lang ng konting hangin, tapos wala na.

Para naman tuloy napakalinis na tao ni Madam Korina sa internet dahil sa galing ng mga alipores nitong magtanggal ng mga OTHER SIDE ng stories about issues related to her. Biruin mo, pag siya ang sangkot, makikita mong wala nang ibang anggulo ang balita kundi kanyang anggulo lamang. Tapos! I-google mo, para makasigurado ka!

Tags: , , ,

Leave a comment